LIBRE lang mangarap!
Naka-relate ako dito masyado!
Lots of people surround me na alam ko na makakarelate
dito.. so, you better start reading na!
=====================================================
Narinig mo na ba to: "Libre lang ang mangarap."
Pag mukhang walang direksyon ang buhaymo, sasabihin nila,
"wala ka man lang kaambi-ambisyon! "
Pag andami-dami mong guston gawin, sasabihin naman nila,
"ambisyoso ka!"
Ayos ba?
May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos,
may gumaganda ang buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay
bumabalik sa dati at kung minsan ay mas masahol pa.
Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya'y
pumunta sa Dubai at Italy o kaya si ate sa Hongkong. Wag na
tayo lumayo…. Musta kaya ang buhay sa call center sa
bandang Libis o Ortigas? O yung
teller ng banko sa Makati .
Ano ba ang kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila.
Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa din.
Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung
kaibigan mong ewan, marahil ay may pangarap din ngunit libre
nga ba ito? At kung libre, bakit madami pa din ang di
nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home
pay mo? Musta ang credit card mo? Max up na yung pangatlo?!
Palagay ko hindi libre ang mangarap. Tulad na lang ng
kalayaan, subukan mong isalin sa ingles ang salitang ito –
freedom. Libre nga ba ito? Kung libre ito, bakit may Ninoy,
bakit may Evelio Javier, at madami pang nagbubuwis ng buhay?
Tsk tsk. Nakakatuwa ang paggamit ng ating mga salita.
May kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay,
umabot sa mahigit isang milyon ang nahawakang pera. Tuloy
tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala lahat ang
kabuhayan.. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along
the way, nawala ang focus niya.
Tapos si ManongEd, istokwa, bata pa tumira na sa palengke.
Sabi sa kanila, "black sheep" ng pamilya. Di na
inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy sa palengke
ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos
ng engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon?
Nag-abroad na, tangay ang limang kaibigan at kapamilya. Saan
kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang makaalis sa
palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?
Listen, yung
nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. San
na siya ngayon? Nag to-tour na. She has all the money to do
just that. Ano! matanda ka na? Eto isa pa. Yung lola ng
friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng
Law. Sabi ng mga apo at anak, "Matanda na kayo. Pahinga
na lang kayo sa bahay." Sagot niya, "Ubingak pay!
(bata pa ako)." Nakinig ba siya? Hindi! Ayun pumasa sa
bar, lawyer na ang lola! Whew!
Ano, hihirit ka pa?
Minsan sa isang seminar, lumapit sa akin ang isang clerk,
may konting luha at lungkot sa kanyang mga mata. Sabi niya,
"Labing pitong taon na akong clerk, wala pang nangyari
sa buhay ko!" Ako ay namangha at nabagabag. Anlalim nun
ah! I got scared. Sabi ko, "Anong ginawa mo?
Madami namang seminar na pwedeng puntahan, libro na puedeng basahin
o kaya panibagong skills na pwedeng pag-aralan." Ang
kanyang tugon ay nakakalungkot. Sabi niya, "Busy ako sa
work eh!" She was practically imprisoned sa lamesa niya
for 17 years! Kaya ang mas malalim na tanong, "Are we
busy with the right things? Does it make us grow? Does it
make us a better person? May mas magandang pupuntahan ba ang
ginagawa natin sa susunod na mga taon?"
Ang karayom, pag tinusok sa'yo ay masakit. Mararamdaman
mo ito. Kaya ang karayom itinali ko sa isang steel rod at
itinusok sa dibdib niya, at sinabing, "Tignan mo yang
isang officemate mo. Dati clerk din siya, ngayon Systems
Administrator na. Pareho kayo ng simula diba?"
The desire to dream starts from the heart, it is a daily
decision to be where you want to be. It is owning it.
'Tol, wag ka umasa sa mana mo o kaya sa gobyerno o sa
Boss mo. At the end of the day, commodity ka lang. Ang buhay
kasi is buy and sell kaya dapat alamin mo ang tunay mong
halaga baka na syo-shortchange ka! Bilhin ka ng boss mo sa
halagang Php10,000 tapos ibebenta ka sa halagang Php100,000.
Yan ang harap harapang prostitusyon!
Ask yourself. Masaya ka ba where you are? Ok ka na ba
diyan? kumusta lineage ng pamilya mo? Is that what you want
to see in your generation? Sabi ng isang guard sa akin noon.
Junie, security guard na lolo ko. Security guard din tatay
ko, kaya security guard na din ako. Sabi ko, "Ayaw mong
maging chief of police?"
But really, kung yung nagdaang
henerasyon sa pamilya mo e puno ng kakulangan, would you
even dream and act to change it? O you resign to it and say,
"Eto ang kapalaran ko."
Simulan mo. Minsan masarap maging discontent. Wag mong
isiping bata ka pa o matanda ka na o may kakulangan ka. Ala
akong pinag-aralan eh. Mahirap lang kami. Wala kaming pera.
O nagpapadala ka sa mga taong nagsasabing, "Sama-sama
na lang tayo dito!" This one really scares me! O
nagsasabing, "Ambisyoso ka!" 'Tol, at the end
of the day, di naman sila ang magpapakain ng pamilya mo eh.
Try mong utangan sila. It' not about lacking in
resources, it is about resourcefulness.
I started losing friends when I realize may mga taong
excess baggage sa buhay natin. Minsan may nakilala ako,
sobrang nega. Sala sa init sala sa lamig. Laging may
problemang dala. Minsang kasama ko sabi niya, "Bat di
mo ako kinakausap?" Sagot ko naman, "There is
nothing good to say!" Lagi akong nagtatanong, "Is
this person going to make a good influence sa buhay
ko?" Syempre, yan din ang lagi kong tanong sa sarili ko.
Choose your friends. An eagle can not fly if he is dressed
like a turkey. And you can't go to the same school as
the duck's school.
Tignan mo if they have grown in the past few years kasi may
tinatawag na Law of Association. Are they excited about life
or they see it as drudgery? Are you in survival mode or is
your life accelerating? Pareho ba max up credit card niyo?
Do you hear more complaints than movements? Ang bakasyon ba
mas pinagpla-planuhan kaysa sa buhay? Is happy hour better
than growing together? There must be what they call the next
level kasi ang buhay hindi dress rehearsal. Kaya if you see
yourself in the bar every weekend with your friends, you
better run away from them!
Start within you. Change the way you see things. Look at
your life as a new canvass. Choose the colors ! Wag mo nang
balikan yung nakaraan. Di mo na mababago yun. Yung ngayon at
bukas, may magagawa ka pa.. Dapat may internal change muna.
You have to start with your character. Be a better person
everyday. Lahat ng gagawin mo should have an impact hindi
lang sa buhay mo kundi sa mga taong nasa paligid mo.
Everyday decision yan.
Pag-align na yung character mo, pag tama yang puso mo,
everything will come into focus. Mas magaan ang buhay mo.
Then yung sinasabi nilang, the whole universe will collide
to give you what you deserve will definitely happen.
Remember, the universe respond to deserved, not need, not want.
Finally, stretch yourself and your life like a rubber band.
You will never know what your potentials are until you
stretch yourself hard enough it's gonna break you.
Don't let anyone live your life and drive you where they
please. Like a boss with a stick and a carrot dangling at
the other end. The only person who can tell you na hanggang
diyan ka lang is yourself so the competition is not between
you and the other person. It's the devil inside you that
doesn't want you to grow.
Make a decision to change wherever you are. Don't wait
for someday. Someday, someday, someday. Remove that from
your vocabulary and say NOW IS THE TIME TO CHANGE!
Sama sama tayong mangarap. Mahal ang mangarap pero halika,
I'll walk with you. Ano, kelan tayo magsisimula?
You already know everything you need to know about success.
All you have to do is to put the remote control down, scoop
that bag of chips away, get out from the couch and do
something!
3 comments:
Hi Dear,
I am not sure if I am on your list of people you follow, but I have been following your blog for a while and I like what you have in here.
May I ask a small favor... I hope you can follow my blog @ http://thegreenmandiary.blogspot.com
Keep up the good work!
Thanks so much.
Sincerely,
The Green Man
ganyan talaga ang buhay
swerte nman ng mga nabiyayaan ng yaman
pray lang lagi
this is something to ponder on. i admire how you show your ideas in your blog.. i'm a follower. =))
u can visit my blog too.. =))
~aneng
Post a Comment